Wednesday, July 17, 2013

                                

    Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko,Bakit siya?bakit di na lang iba?Paano kung di ko siya nakilala?Ano kaya ako ngayon?Pero ang mga tanung na iyon ay unti-unti kong nasagot.Siguro nga meant to be talaga na makilala ko siya,dahil siya ang nagturo sa akin kung paano maging masaya at sa kanya ko rin naramdaman ang tunay na inspiration.Siya rin ang nagturo sa akin kung paano kiligin ng bonggang bongga.Siya rin ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na di ko kayang gawin dati,Siya rin ang nagturo sa akin kung paano mangarap,dahil dati isa akong batang tatanga tanga na walang pangarap sa buhay.Pero nagbago na ang lahat ng makilala ko ang mahal kong idolo na si Mr.Richard Yap,nagbago na ang pananaw ko sa mundo,unti unti ko ng nakilala kung sino ako at unti unti ko naring nalaman kung ano talaga ang gusto ko.Kung dati wala akong emosyon,ngayon ibang iba na ako,dahi alam ko na kung paano maging super saya,at lumaban sa mga classmate ko na nangbubully..Wag din nila lalaitin si idol Richard Yap kasi aawayin ko sila,,may naaway na nga ako eh ,,nilait nya kasi si Idol ..sorry..
      MInsan pati mga kapit-bahay ko tinatanung bakit si SER CHIEF ang crush mo??eh parang daddy mo na iyon,kahit medyo inis kasi sinasabi nila na may idad na ,,masaya parin akong sumasagot ng,eh di ang gwapo gwapo naman ng daddy ko kung ganun..naaalala ko kasi yung KALMA LANG!!
      Ewan ko ba kung bakit,pag may nanglalait sa kanya masyado anong O.A ,siguro nasasaktan din ako kasi ng mahal ko sya,idol ko siya,Naguguluhan na nga rin ako sa sarili ko eh,mayroon namang dyang Daniel Padilla,Enrique gil at marami pang teen stars.Siguro iba talaga si Mr.Richard Yap sa kanila,as in ibang iba.Si idol Richard Yap kasi,mabait,mapagmahal sa asawa at anak,simpleng simple,gentle at marami pang iba.
   Baka meant to be ako sa mga richard,kasi 1st showbiz crush ko si Richard Gutierrez,Alden Richards..at ngayon namn Richard Yap..Pero iba na ngayon,kasi ngayon lahat ng commercial ni idol alam ko,,pati mga favoriyes niya alam ko..Stoker ang peg??
              at dyan na po magtatapos ang istorya....abangan ang susunod na kabanata
wait..isa lang ang iiwan kong kataga sa mga oras na ito ,,yun ang sabihing maraming maraming salamat mahal kong idol RICHARD YAP!!!
                                                   

@ErikaLIm_09

No comments:

Post a Comment